Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Musa Asoglu

Hanggang $3 Milyong Gantimpala

Si Musa Asoglu ay isang importanteng pinuno ng Revolutionary People’s Liberation Party/Front (Turkish: Devrimci Halk Kurtuluş Partisi Cephesi, o DHKP/C). Tinatarget ng DHKP/C ang mga interes ng Estados Unidos, kabilang ang militar, mga diplomat at mga pasilidad ng Estados Unidos, magmula ng itinatag ito noong 1994 nang humiwalay ito sa naunang, Devrimci Sol o Dev Sol. Ang layunin nito ay alisin ang anumang bakas ng U.S. at NATO sa Turkey, at magtatag ng isang estado na sosyalista. Noong Pebrero 2013, nilusob ng isang suicide bomber na miyembro ng grupo ang U.S. Embassy sa Ankara, na kung saan napatay ang isang Turkish security guard. Noong 1997, ang DHKP/C ay tinalaga ng U.S. Department of State na isang Dayuhang Teroristang Organisasyon, at ito ay siniyasat muli at ipinagpapatuloy ang pagtatalaga nito noong Hulyo 24, 2013.

Si Musa Asoglu ay sumali sa DHKP/C noong dekada 1990 nang siya ay nakatira sa Netherlands. Sinasabing namana niya ang pagiging pinuno ng grupo nang namatay noong 2008 ang pinunong nagtatag ng grupo, na si Dursun Karatas. Si Asoglu ay miyembro ng central committee ng DHKP/C, ang nakatataas na unit ng grupo na gumagawa ng mga desisyon, at pinaniniwalaan na siya ang namumuno sa mga bagay na nauukol sa pananalapi at sa mga pangingilak ng pondo para sa grupo sa Europe. Sinasabing siya ang nag-utos ng suicide bombing attack noong Pebrero 1, 2013 sa U.S. Embassy sa Ankara, na kung saan napatay ang isang Turkish security guard. Pinaniniwalaan rin na siya ang may kagagawan ng mga paglusob sa punong himpilan ng Justice and Development Party (AKP) at ng Turkish Ministry of Justice noong Marso 2013.

Sina Musa Asoglu, Zerrin Sari, at Seher Demir Sen ang mga importanteng pinuno ng Revolutionary People’s Liberation Party/Front (Turkish: Devrimci Halk Kurtuluş Partisi Cephesi, or DHKP/C).

Karagdagang mga Litrato

Karagdagang litrato ni Musa Asoglu
Karagdagang litrato ni Musa Asoglu
Karagdagang litrato ni Musa Asoglu