Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Mahad Karate

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Ang Deputy lider (emir) na si Mahad Karate, at kilala rin sa ngalang Abdirahman Mohamed Warsame, ay isa sa mga importanteng tao sa Amniyat, ang sangay ng al-Shabaab na may-pananagutan sa mga assassination at sa pag-atake sa Garissa University College noong Abril 2, 2015 na nagresulta sa pagkamatay ng 150 tao. Ang sangay na intelligence ng al-Shabaab ay kasangkot sa pagpapatupad ng mga suicide attack at ng mga assassination sa Somalia, Kenya at sa mga iba pang bansa sa rehiyon at nagbibigay ito ng mga logistics at pagsosoporta sa mga ginagawang terorismo ng al-Shabaab sa lahat ng dako ng Horn of Africa.

Inaakalang ang edad ni Karate ay nasa mga 40s.