Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Maalim Salman

Hanggang $3 Milyong Gantimpala

Si Maalim Salman ay pinili ng yumaong lider ng al-Shabaab na si Ahmed Abdi aw-Mohamed (Godane) na maging pinuno ng African foreign fighters para sa al-Shabaab. Sinanay niya ang mga operative ng al-Shabaab na mga di-Somali at kasangkot siya sa mga operation sa Africa na tinatarget ang mga turista, mga lugar ng libangan, at mga simbahan.

Bagama’t nakatuon siya sa mga operation sa labas ng Somalia, si Salman ay naninirahan rin sa Somalia at sinasanay sa Somalia ang mga sundalong dayuhan bago idestino ang mga ito sa ibang lugar. Maliban sa mga ibang pag-atakeng terorista, ang al-Shabaab ang may-kagagawan ng pag-atake noong Septiyembre 2013 sa Westgate Mall sa Nairobri, Kenya na kung saan napatay ang 65 tao.