Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Khalil Haqqani

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Khalil al-Rahman Haqqani ay isang nakatataas na miyembro ng Haqqani Network, at siya ang nangingilak ng pondo para sa Taliban at sinosoportahan niya ang mga Taliban sa Afghanistan. Simula noong 2010, binibigyan niya ng pera ang mga Taliban cell sa Logar Province, Afghanistan. Noong 2009, si Khalil ang isa sa mga ilang taong may-kagagawan sa pagkukulong ng mga binihag na kalaban ng Taliban at ng Haqqani Network. Si Khalil ay tumatanggap ng mga utos para sa Taliban operations mula sa kanyang pamangking si Sirajuddin Haqqani, na itinalaga ng Estados Unidos noong Marso 2008 alinsunod sa Executive Order 13224. Si Khalil ay isang kinatawan rin ng al-Qaida at siya ay naiugnay sa nakaraan sa military operations ng al-Qaida. Noong 2002 ay nagpa-deploy siya ng mga kalalakihan para dagdagan ang mga lumalaban para sa al-Qaida sa Paktia Province, Afghanistan.

Si Khalil al-Rahman Haqqani ay itinalaga ng U.S. Department of Treasury na isang Specially Designated Global Terrorist alinsunod sa Executive Order 13224 noong Pebrero 9, 2011.

Karagdagang mga Litrato

Karagdagang litrato ni Khalil Haqqani
Karagdagang litrato ni Khalil Haqqani