Mga Kuwento ng Pagtatagumpay

Khadaffy Janjalani

Patay Na

Si Khadaffy Janjalani ang isa sa mga pinakamataas na lider ng Abu Sayyaf Group, isang Islamic fundamentalist group sa Pilipinas. Si Janjalani ang may-kagagawan ng mga kidnapping at mga pagpatay ng mga Filipino at mga Amerikano. Kasangkot siya sa kidnapping nina Martin at Gracia Burnham at ng dalawa pang Amerikano, at siya rin ang pumugot ng ulo ni Guillermo Sobero, isa ring Amerikano. Pinlano at isinagawa rin ni Janjalani ang maraming pag-atake sa mga interes ng Estados Unidos. Kasangkot rin siya sa mga pag-atake sa U.S. Embassy sa Manila at sa Superferry 14, at sa mga pag-bomba nang Valentines Day, na sa kalahatan ay pumatay o puminsala sa daan-daang inosenting tao.

Noong Septiyembre 2006, ang impormayon na binigay ng mga ilang magiting na Filipino ay ginamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para tugisin at patayin si Khadaffy Janjalani. Sa mga sumunod na buwan, may mga kumalat na balita na patay na si Janjalani, nguni’t hindi ito napatunayan dahil walang kinilalang bangkay niya ang mga opisyal ng pamahalaan. Sa bandang katapusan ng Enero 2007, may dalawang indibidwal ang nagbigay ng impormasyon na kung saan matatagpuan ang bangkay ni Janjalani. At pagkatapos gumawa ng DNA tests ang FBI, napatunayang talagang patay na nga si Janjalani. Nagpapatunay na importante ang lahat ng impormasyon na binigay nitong mga indibidwal sa pagpatay kay Janjalani at sa pagkilala sa dakong huli na iyon nga ang kanyang bangkay. Dahil sa kanilang kagitingan at tulong, ang mga Filipinong nagbigay ng impormasyon ay ipinagkaloob ng gantimpalang $ 5 milyon (245 milyong pesos) ng Pamahalaan ng Estados Unidos sa isang seremonyang bukas sa madla na pinamahalaan ng Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pulo ng Jolo noong Hunyo 7, 2007.

Ang Abu Sayyaf Group ay itinatag noong mga unang taon ng dekada 1990 ni Abdurajik Janjalani, ang nakatatandang kapatid ni Khadaffy Janjalani. Nakilala ni Abdurajik Janjalani ang patay na ngayong si Usama bin Ladin sa Afghanistan nang sumali siyang labanan ang Soviets at nahimok siyang magtatag ng kanyang sariling Islamic separatist movement sa Pilipinas. Itinayo ang kuta nito sa dakong timog na pulo ng Basilan. Ang layunin sa pagtatatag ng ASG ay para lumikha ng isang malayang Islamic state sa kanlurang Mindanao at kapuluang Sulu. Magmula ng dekada 1990, ang ASG ay nagsagawa ng mga ilang pag-bomba laban sa mga interes ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Nitong nakalipas na mga taon ang ASG ay nagsagawa ng mga kidnapping para mangilak ng mga pondo, na ang pinupunterya ay mga turista at mga negosyante. Ang ASG ay tinuturing ng U.S. Department of State na isang organisasyon ng mga terorista sa ibang bansa at patuloy itong isang banta sa katatagan ng Pilipinas.