Mga GawangTerorismo
Impormasyon tungkol sa ...

Pagbomba ng mga U.S. Embassy ng Kenya at Tanzania

Kenya at Tanzania | Agosto 7, 1998

Noong Agosto 7, 1998, ang mga miyembro ng teroristang grupong al-Qa’ida ay magkasabay na binomba ang mga embahada ng Estados Unidos sa Nairobi, Kenya at Dar es Salaam, Tanzania. Ang programang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpala na hanggang $5 milyon para sa impormasyon na magdadala sa hustisya sa sinumang may kinalaman sa mga pag-atakeng ito.

Sa Nairobi, may mga teroristang nakasakay sa isang trak na puno ng mga pampasabog na nagpasabog ng bomba malapit sa paradahan ng embahada ng Estados Unidos, na pumatay sa 213 tao, kabilang ang 44 na empleyado ng embahada (12 Amerikano at 32 mamamayan ng ibang bansa), at nakapinsala sa higit sa 5,000 iba pa kabilang ang Embahador ng Estados Unidos na si Prudence Bushnell.

Sa Dar es Salaam, may mga teroristang nakasakay na puno ng mga pampasabog na sinubikang bangain ang gate ng embahada, na sinimulang pinagbabaril ang chancery, at pinaputok ang kanilang mga pampasabog. Nagresulta ang pagsabog sa pagpatay sa 11 tao at sa pagkapinsala ng 85.

Ang mga pagbomba ay nagsanhi ng matinding pinsala sa mga gusali ng embahada at sinira ang kalapit na mga opisina at mga negosyo.

 

Ang mga sumusunod ay nilitis at nahatulang may-sala kaugnay sa mga pag-atake.  
  • Si Mamdouh Mahmud Salim, isa sa mga miyembrong nagtatag ng al-Qa’ida, ay inaresto noong Septiyembre 1998 sa Germany at binalik sa Estados Unidos. Siya ay hinatulan makulong nang habangbuhay sa kulungang pederal para sa kanyang pagkakasangkot sa mga pagbomba
  • Noong Oktubre 2001, ang mga operatibo ng al-Qa’ida na sina Wadih El-Hage, Khalfan Khamis Mohamed, Mohamed Rashed Daoud Al-Owhali, at Mohamed Sadeek Odeh ay nahatulang may-sala sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga pagbomba sa embahada at sinentensyahang makulong nang habangbuhay.
  • Noong Enero 2011, ang operatibo ng al-Qa’ida na si Ahmed Khalfan Ghailani, ay nahatulan ng may-sala at sinentensiyahan sa hukuman ng Estados Unidos na makulong nang habangbuhay para sa kanyang pagkakasangkot sa mga pagbomba.  
  • Noong Septiyembre 2014, si Adel Abdel Bari, isang matalik na kaibigan ng lider ng al-Qa’ida na si Zawahiri, ay sumagot ng may-sala sa pakikipagsabwatang pagpatay ng mga mamamayan ng Estados Unidos at nasentensyahan sa hukumang pederal ng 25 taong pagkakakulong.
  • Noong Mayo 2015, si Khaled al-Fawwaz, isang sugo ni Usama bin Laden, ay sinentensyahan ng hukumang pederal na makulong nang habangbuhay para sa kanyang koneksyon sa mga pag-atake.
Ang sumusunod na mga importanteng suspek ay sinampahan ng kaso ng grand jury ng gobyerno pederal para sa mga pagbomba:  

Si Ayman al-Zawahiri, ang kasalukuyang lider ng al-Qa’ida

Si Sayaf al-Adl, importanteng lider ng al-Qa’ida

Si Abdullah Ahmed Abdullah, importanteng lider ng al-Qa’ida

Si Usama bin Laden,dating lider ng al-Qa’ida (Patay Na)

Si Mohammed Atef, dating lider sa militar ng al-Qa’ida (Patay Na)

Si Anas al-Libi, dating importanteng lider ng al-Qa’ida (Patay Na)

Ang programang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong magtuturo sa kinaroroonan, sa pag-aresto, o sa paghatol ng may-sala nina Sayf al-Adl at Abdullah Ahmed Abdullah, at gantimpala ng hanggang $25 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ayman al-Zawahiri.
 

Mga Alok ng Gantimpala na Kaugnay sa mga Pagbomba ng mga Embahada ng Estados Unidos

Ayman Zawahiri

Abdullah Ahmed Abdullah

Sayf al-Adl

Karagdagang litrato ni

English East Africa Bombing PDF
Litrato ni Pagbomba ng mga U.S. Embassy
Litrato ni Pagbomba ng mga U.S. Embassy
Litrato ni Pagbomba ng mga U.S. Embassy
Litrato ni Pagbomba ng mga U.S. Embassy