Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Jehad Serwan Mostafa

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Jehad Serwan Mostafa, na kilala rin sa mga pangalang Ahmed Gurey, Anwar al-Amriki, o Emir Anwar; ay isang mamamayan ng Estados Unidos at dating residente ng California.  Maraming iba’t ibang bagay ang kanyang ginawa para sa al-Shabaab, kabilang ang pagiging isang training camp instructor at lider ng mga lumalabang mula sa ibang bansa.  Magaling din siya sa  media activities ng pangkat.  Si Mostafa ay isang mamamayan ng Estados Unidos at dating nakatira sa San Diego, California bago siya lumipat sa Somalia noong 2005.  Siya ay maaaring o malamang na pumunta sa mga sumusunod na lugar: Somalia, Yemen, Ethiopia, Kenya, at sa ibang mga bansa sa Africa.  

Si Mostafa ay nasa Listahan ng FBI ng Pinaka Wanted na mga Terorista, at hinahanap siya ng FBI para sa pinaghihinalaang kanyang gawang terorismo.  Noong Oktubre 9, 2009, may inilabas na federal warrant ang United States District Court, Southern District of California para sa pag-aresto kay Mostafa.  Si Mostafa ay sinampahan ng mga sumusunod na krimen: pakikipagsabwatang magbigay ng material support sa mga terorista; pakikipagsabwatang magbigay ng material support sa organisasyon ng terorista sa ibang bansa; at ang pagbibigay ng material support sa isang organisasyon ng terorista sa ibang bansa. 

Ang Al-Shabaab ay ang dating sangay militar ng Somali Council of Islamic Courts na sumakop sa karamihan sa kanlurang Somalia sa ikalawang hati ng 2006. Pinagpatuloy ng Al-Shabaab ang marahas na paghihimagsik sa kanluran at gitnang Somalia. Inako ng pangkat na sila ang may kagagawan ng maraming pagbobomba—kasama ang iba’t-ibang uri ng suicide attacks—sa Mogadishu at sa kalagitnaang at hilagang Somalia, karaniwang tina-target ang mga opisyal ng Pamahalaan ng Somalia at mga naturingang kakampi ng Transitional Federal Government (TFG) ng Somalia. Ang Al-Shabaab ang may kagagawan ng limang kinoordinate na suicide car bombings noong Oktubre 2008 na sabay-sabay tinitira ang mga target sa dalawang lungsod sa hilagang Somalia, at pinatay ang hindi kumukulang sa 26 na tao at puminsala sa 29 na iba pa. Ang Al-Shabaab ang may kagagawan ng dalawang suicide bombings sa Kampala, Uganda, noong Hulyo 11, 2010, na pumatay sa mahigit sa 70 tao, kasama ang isang Amerikano. Itong pangkat ang may kagagawan sa pagpatay ng mga Somali na aktibista para sa kapayapaan, ng international aid workers, maraming tao na walang kaugnayan sa pamahalaan at ng mga peryodista. Noong Pebrero 2012, inanunsiyo ng al-Shabaab at ng al-Qaida ang pormal nilang alyansa.

Hinirang ng U.S. Department of State ang al-Shabaab na isang Organisasyon ng mga Terorista sa Ibang Bansa alinsunod sa Seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act (ayon sa pagsusog) noong Pebrero 26, 2008, at isang Specially Designated na Teroristang entidad sa Buong Mundo alinsunod sa Executive Order 13224 noong Pebrero 29, 2008.