Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Jamal Saeed Abdul Rahim

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Jamal Saeed Abdul Rahim ay wanted kaugnay sa hijacking sa lupa ng Pan Am flight 73 sa Karachi, Pakistan noong Septiyembre 5, 1986. Ang indibidwal na nakalista sa taas ay kinasuhan sa husgado ng sumusunod na mga paratang:

Pagsasabwatan sa mga pag-atake laban sa Estados Unidos; pagsasabwatan na patayin ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa labas ng Estados Unidos; pagpatay ng mga mamamayan ng Estados Unidos sa labas ng Estados Unidos; tangkang pagpatay ng mga mamamayan ng Estados Unidos sa labas ng Estados Unidos; pagsanhi ng malubhang pinsala sa mga katawan ng mga mamamayan ng Estados Unidos sa labas ng Estados Unidos; pagkuha ng hostage; paggamit ng baril habang ginagawa ang isang krimen ng karahasan; naglalagay ng mapanirang mga gamit sa eroplano; gumagawa ng mga karahasan sa eroplano laban sa isang tao; piracy sa eroplano; paninira sa eroplano na may-masamang hangad; at pagtulong at pag-udyok.

Sina Wadoud Muhammad Hafiz al-Turki, Jamal Saeed Abdul Rahim, Muhammad Abdullah Khalil Hussain ar-Rahayyal, at Muhammad Ahmed al-Munawar ay kinasuhan sa District of Columbia para sa kanilang bahagi sa hijacking ng Pan Am flight 73 sa lupa sa Karachi, Pakistan noong Septiyembre 5, 1986. Pagkatapos niyang gawing bihag nang mga 16 na oras ang eroplano at ang 379 na mga pasahero at crew nito, kabilang ang hindi kumukulang sa 78 mamamayan ng Estados Unidos, walang-pagtatanging pinagbabaril ng mga hijacker ang mga pasahero, na nagging sanhi ng pakamatay ng hindi kumulang sa 20ka tao at sa malubhang pagkasugat sa higit sa 100 iba pa. Ang mga taong ito ay pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Nidal Organization, isang pandaigdig na network ng mga terorista.

Karagdagang litrato ni

Litrato ni Jamal Saeed Abdul Rahim