Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Ibrahim Haji Jama

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Ibrahim Haji Jama ay ang isa pang nagtayo ng Harakat Shabaab al-Mujahidin at isa siyang nakatataas na lider sa al-Shabaab. Gaya ng lumaganap na inireport, noong Mayo 2010, pinamumunuan noon ni Jama ang Jubba Valley na administrasyon ng al-Shabaab mula sa Kismaayo. Siya ay may mga ilang taong nakipaglaban sa Afghanistan, at doon niya nakuha ang kanyang alyas na al-Afghani (ang Afghan).

Ang Al-Shabaab ay ang dating sangay militar ng Somali Council of Islamic Courts na sumakop sa karamihan sa kanlurang Somalia sa ikalawang hati ng 2006. Pinagpatuloy ng Al-Shabaab ang marahas na paghihimagsik sa kanluran at gitnang Somalia. Inako ng pangkat na sila ang may kagagawan ng maraming pagbobomba—kasama ang iba’t-ibang uri ng suicide attacks—sa Mogadishu at sa kalagitnaang at hilagang Somalia, karaniwang tina-target ang mga opisyal ng Pamahalaan ng Somalia at mga naturingang kakampi ng Transitional Federal Government (TFG) ng Somalia. Ang Al-Shabaab ang may kagagawan ng limang kinoordinate na suicide car bombings noong Oktubre 2008 na sabay-sabay tinitira ang mga target sa dalawang lungsod sa hilagang Somalia, at pinatay ang hindi kumukulang sa 26 na tao at puminsala sa 29 na iba pa. Ang Al-Shabaab ang may kagagawan ng dalawang suicide bombings sa Kampala, Uganda, noong Hulyo 11, 2010, na pumatay sa mahigit sa 70 tao, kasama ang isang Amerikano. Itong pangkat ang may kagagawan sa pagpatay ng mga Somali na aktibista para sa kapayapaan, ng international aid workers, maraming tao na walang kaugnayan sa pamahalaan at ng mga peryodista. Noong Pebrero 2012, inanunsiyo ng al-Shabaab at ng al-Qaida ang pormal nilang alyansa.

Hinirang ng U.S. Department of State ang al-Shabaab na isang Organisasyon ng mga Terorista sa Ibang Bansa alinsunod sa Seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act (ayon sa pagsusog) noong Pebrero 26, 2008, at isang Specially Designated na Teroristang entidad sa Buong Mundo alinsunod sa Executive Order 13224 noong Pebrero 29, 2008.