Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Ibrahim Ahmed Mahmoud al-Qosi

Hanggang $4 Milyong Gantimpala

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng hanggang $4 na milyon para sa impormasyong magdadala sa pagkilala o paghanap kay Ibrahim Ahmed Mahmoud al-Qosi. Si Al-Qosi ay bahagi ng pangkat ng mga lider na tumutulong sa kasalukuyang “emir” ng AQAP. Magmula ng 2015, mapapanood siya sa mga mga materyal sa pangangalap ng AQAP at humihimok ng mga solong pag-atake sa Estados Unidos sa propagandang online. Umanib siya sa AQAP noong 2014, pero aktibo siya sa al-Qa-ida nang maraming dekada at tuwiranang pinagsilbihan nang maraming taon si Usama bin Laden. Nahuli si Al-Qosi sa Pakistan noong Disyembre 2001 bago siya nilipat sa Guantanamo Bay. Sinagot niya ng may-sala noong 2010 sa isang komisyong militar ang kanyang pakikipag sabwatan sa al-Qa’ida at ang pagbibigay ng materyales na sumosaporta sa terorismo. Si al-Qosi ay pinalaya ng Estados Unidos sa pagkakakulong at binalik siya sa Sudan noong 2012 alinsunod sa isang kasunduan bago ang paglilitis.

Karagdagang litrato ni

Ibrahim Ahmed Mahmoud al-Qosi