Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Husayn Muhammed al-Umari

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Ang U.S. Department of State ay nagpahintulot ng gantimpala na hanggang $5 milyon para sa impormasyong nagbigay-daan sa pag-aresto at/o paghatol ng may-sala kay Husayn Muhammad al-Umari.

Si Husayn Muhammad al-Umari ay wanted ng FBI dahil sa sinasabing kanyang pagkakasangkot sa pagbomba ng Pan Am World Airways flight 830 noong Agosto 11, 1982 na nagresulta sa pagkamatay ng isang pasahero at sa pagkasugat ng 16 pa na pasahero, at sa tangkang pagpatay ng 267 pasahero at crew na nasa eroplano. Si Al-Umari ay isa sa tatlong tao na kinasuhan sa husgado para sa kanilang ginawang terorismo, at sinasabing siya ang nagdesign at gumawa ng sumabog na explosive device habang nasa himpapawid ang eroplano na galing ng Narita, Japan patungong Honolulu, Hawaii.

Si Al-Umari ay kinasuhan sa U.S. District Court sa District of Columbia ng: (1) pagsasabwatan para manakit at manira ng ari-arian; (2) pagsasabwatan para pumatay ng (mga) tao; (3) pagpatay ng (mga) tao; (4) pagsabotahe ng eroplano; (5) pagsira ng eroplanong ginagamit para sa pangangalakal sa mga ibang bansa; (6) paglagay ng mga bomba sa eroplano; (7) pagsalakay; (8) tangkang sadyang pagsira ng eroplano; at (9) pagtulong at pag-udyok. Noong 1998, ang isa sa mga kasabwat, na si Mohammad Rashed, ang naglagay ng bomba sa eroplano, ay inaresto at dinala sa Estados Unidos. Inamin niya ang kanyang pagkakasangkot sa pagbomba at siya ay pumirma ng isang kasunduan ng kooperasyon bilang bahagi ng kanyang pag-amin ng may-sala sa (mga) paratang.

Si al-Umari, na pinaniniwalaang isang mahusay gumawa ng bomba at dating lider ng “15 May” terrorist group, ay kinasuhan din ng Pamahalaan ng France dahil sa kanyang pagkakasangkot sa pagbomba ng Marks and Spencer Department store sa Paris at ng Leumi Bank noong 1985.

Si al-Umari ay maaaring nagtataglay ng pasaporteng mula sa Lebanon, na ayon sa mga balita ay kung saan nakatira ang kanyang asawa. Siya ay mayroong dalawang anak na lalaki at dalawang anak na babae. Siya ay tumira sa Iraq ng maraming taon. Bagama’t hindi alam kung nasaan siya sa kasalukuyan, may posibilidad na siya ay nakatira sa Lebanon o sa Iraq. Ayon sa mga balita, siya ay laging may dalang baril sa kanyang mga paglalakbay at tinuturing siyang armado at mapanganib.

Karagdagang litrato ni

Husayn Muhammed al-Umari