Mga Kuwento ng Pagtatagumpay

Hamsiraji Marusi Sali

Patay Na

Si Hamsiraji Marusi Sali, isang commander at group leader sa Abu Sayyaf Group, ay kasali sa kidnapping ni Jeffrey Schilling noong Agosto 2000 at sa kidnapping sa Dos Palmas noong Mayo 2001.

Noong Agosto 28, 2000, kinidnap ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang mamamayan ng Estados Unidos na nagngangalang Jeffrey Craig Edward Schilling. Bilang kapalit kay Mr. Schilling, hiningi ng ASG ang $10 milyon at ang pagpapalaya sa mga preso sa Estados Unidos ng tatlong teroristang pandaigdig: mga kasapi ng al-Qa’ida na sina Ramzi Yousef at Wali Khan, at “ang Bulag na Sheikh”, ang spiritual leader ng Egyptian terrorist group, al-Gama’at al-Islamiyya. Noong Abril 12, 2001, matagumpay na nakatakas si Jeffrey Schilling at siya ay ibinalik sa Estados Unidos

Noong Mayo 27, 2001, kinidnap ng ASG ang tatlong Amerikano sa Dos Palmas Resort sa Palawan, Pilipinas. Nakilala ang tatlong Amerikano na si Guillermo Sobero at ang mag-asawang misyonero na sina Martin at Gracia Burnham. Noong Hunyo 11, 2001, sinabi ng tagapagsalita ng ASG na si Abu Sabaya, na inutos niya ang pagpatay kay Guillermo Sobero bilang “regalo sa kaarawan” ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas. Noong Oktubre 7, 2001, may nakuhang bungo sa Basilan Island, na napag-alamang bungo ni Guillermo Sobero. Noong Hunyo 2002, napatay si Martin Burnham sa barilan ng mga sundalong Pilipino at ng ASG; bagama’t nasugatan si Gracia, nailigtas siya at ibinalik sa Estados Unidos.

Noong Pebrero 2002, si Sali ay sinakdalan ng isang federal grand jury sa District of Columbia ng sumusunod na mga paratang: Pagsasabwatang Nagresulta sa Kamatayan, Pagbihag ng Hostage, at tatlong paratang ng Pagbihag ng Hostage na Nagresulta sa Kamatayan.

$1 milyong Gantimpala ang binayad para sa impormasyong kung saan matatagpuan si Sali.