Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Hamad el Khairy

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Hamad el Khairy ang pinuno at miyembrong nagtatag ng terrorist group na Movement for Unity and Jihad in West Africa (MUJWA, na kilala ring MUJAO at TWJWA). Sa ilalim ng pamumuno ni Khairy, ang mga miyembro ng MUJWA ay nagsagawa ng mga kidnapping, mga terrorist attack, at ng mga pagdukot ng mga diplomat ng mga ibang bansa. Inako ni Khairy ang pagkidnap sa pitong diplomat ng Algeria sa Mali noong Abril 2012, at lumabas siya sa mga MUJWA video na pinagbabantaan ang mga taong laban sa organisasyon. Sinabi ni Khairy noong Enero 2012, na ang layon ng MUJWA ay “ipatupad ang batas sharia sa lahat ng dako ng West Africa.”

Bago siya naging pinuno ng MUJWA, si Khairy ay dating miyembro ng AQIM, at siya ang nagplano ng mga gawang terorista sa Mauritania. Noong Oktubre 2011, inutos ni Khairy ang pagkidnap sa tatlong European aid workers sa Algeria, na may nasaktang dalawa sa barilan. Si Khairy ay itinalagang terorista noong Disyembre 7, 2012 alinsunod sa Executive Order 13224.

Ang MUJWA ay nilikha noong Septiyembre 2011 bilang sangay ng al-Qaida in the Lands of the Islamic Maghreb (AQIM) para ipalaganap ang mga gawang terorista sa lahat ng dako ng West Africa. Ang MUJWA ay nagsagawa ng sari saring pag-atake at mga kidnapping, kabilang ang suicide attack noong Marso 2012 sa Tamanrasset, Algeria, na puminsala 23 tao. Inako rin ng MUJWA ang pagkidnap sa Canadian Ambassador at UN Envoy na si Robert Fowler. Ang Estados Unidos ay itinalaga ang MUJWA na isang Specially Designated Global Terrorist entity noong Disyembre 7, 2012, at ang UN al-Qaida Sanctions Committee ay inilista ang MUJWA noong Disyembre 5, 2012, dahil sa kaugnayan nito sa AQIM.