Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Hafiz Saeed

Hanggang $10 Milyong Gantimpala

Si Hafiz Mohammad Saeed ay dating propesor ng Arabic at Engineering ay ang miyembrong nagtayo ng Jamaat-ud-Dawa, isang radikal na Ahl-e-Hadith Islamist na organisasyon na dedikado sa pagpapalaganap ng pamamahala ng Islam sa mga bahagi ng India at Pakistan, at ang militar nito, ang Lashkar-e-Tayyiba. Si Saeed ay pinaghihinalaang ang utak ng maraming pag-atakeng terorista, kasama ang 2008 na pag-atake sa Mumbai, na nagresulta sa pagkamatay ng 166 na tao, kasama ang anim na mga Amerikano.

Nagpalabas ang Republika ng India ng Interpol Red Corner Notice laban kay Saeed para sa tungkulin niya sa mga teroristang pag-atake sa Mumbai noong 2008. At sa karagdagan, hinirang ng United States Department of the Treasury si Saeed na isang Specially Designated National alinsunod sa Executive Order 13224. Si Saeed ay hinirang din ng United Nations alinsunod sa UNSCR 1267 noong Disyembre 2008.

Hinirang ang Lashkar-e-Tayyiba na isang Organisasyon ng mga Terorista sa Ibang Bansa noong Disyembre 2001. Noong Abril 2008, hinirang ng Estados Unidos ang Jamaat-ud-Dawa na isang Organisasyon ng mga Terorista sa Ibang Bansa; at, hinirang rin ng United Nations ang Jamaat-ud-Dawa na teroristang organisasyon noong Disyembre 2008.