Mga GawangTerorismo
Impormasyon tungkol sa ...

Pagpatay kina John Granville at Abdelrahman Abbas Rahama

Khartoum, Sudan | January 1, 2008

Noong Enero 1, 2008, si John Granville, isang Amerikanong empleado ng United States Agency for International Development (USAID), at ang kanyang tsuper na Sudanese, si Abdelrahman Abbas Rahama, ay binaril at napatay habang papauwi sila mula sa isang New Year’s Eve na pagdiriwang sa Khartoum, Sudan.  Dalawang hiwalay na pangkat ang nagsasabing sila ang may kagagawan sa mga pagpatay: ang dating al-Qaida in the Lands of the Two Niles (AQTN) at ang Ansar al-Tawhid (Mga Sumosoporta ng Monotheism).

Limang lalaki ang nilitis at nahatulang may sala ng legal system ng Sudan para sa kanilang pagkakasangkot sa mga pagpatay.  Sina Abdelraouf Abu Zaid Mohamed Hamza, Mohamed Makawi Ibrahim Mohamed, Abdelbasit Alhaj Alhassan Haj Hamad, at si Mohanad Osman Yousif Mohamed ay nasentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay, ngunit nakatakas mula sa Khober Prison sa Khortoum, isang taon pagkalipas silang nahatulang may sala.  Sinasabing si Mohanad ay namatay sa Somalia noong Mayo 2011.  Si Abdelraouf ay nadakip muli ng mga awtoridad ng Sudan. Sina Makawi at Abdelbasit ay hindi pa nadadakip.

Si Abdelrahman Abbas Rahama, 39, ay ipinanganak sa Juba, Sudan.  Nagsimula siyang nagtrabaho sa USAID noong 2004 bilang isa sa orihinal na miyembro ng USAID Disaster Assistance Response Team para sa Darfur, Sudan.  Kinuha siyang tsuper para sa USAID/Sudan mission sa Khartoum noong Nobyembre 2005.

Si John Granville, 33, ay taga Buffalo, New York.  Nagtrabaho siya sa mga programa ng USAID na nauukol sa demokrasya at sa pamamahala sa Sudan nang mahigit tatlong taon, tumulong mamahagi ng libo-libong solar-powered na mga radyo sa southern Sudan, isang rehiyong napahiwalay sa sibilisasyon, dahil sa higit sa dalawang dekada ng giyera, para abisuhan ang mga mamamayan ng kanilang mga karapatan at tulungan silang makapaghanda para sa eleksyon.  Si Granville ay dating Peace Corps Volunteer sa Cameroon mula 1997 hanggang 1999 at siya ay nakatanggap ng Fulbright fellowship pagkaraan noon para magsagawa ng malayang pananaliksik sa Cameroon.

Ang Rewards for Justice program ay naghahandog ng hanggang $5 milyong gantimpala para sa impormasyong magbibigay daan upang maiharap sa husgado ang mga may kagagawan nitong mga pag-atake.

Litrato ni Abdelrahman Abbas Rahama
Abdelrahman Abbas Rahama
Litrato ni John Granville
John Granville