Mga GawangTerorismo
Impormasyon tungkol sa ...

Pagkidnap at Pagpatay kay Daniel Pearl

Karachi, Pakistan |Enero 23, 2002

Noong Enero 23, 2002, kinidnap si Daniel Pearl sa Karachi, Pakistan. Si Pearl, na isang reporter para sa Wall Street Journal, ay naghahanap ng mga magagamit na impormasyon para sa sinusulat niyang lathalain tungkol sa shoe bomber na si Richard Reid, na nagtangkang pasabugin ang isang bomba sa isang transatlantic flight isang buwan pa lang ang nakalilipas.

Noong Pebrero 21, 2002, may inilabas na video sa internet na ipinapakita ang pagpatay kay Daniel Pearl. Natuklasan ang labi ni Pearl nang Mayo at ibinalik ito sa Estados Unidos.

Pagkalipas ng isang buwan, pinaratangan ng sadyang pagpatay si Ahmed Omar Saeed Sheikh at ang tatlo pang suspek, sa kanilang pagkakasangkot sa pagkidnap at pagpatay kay Pearl. Noong Hulyo 15, 2002, sila ay nahatulang may-sala, at si Sheikh ay sinentensiyahan ng pagkabilanggo nang habangbuhay.

Ang Rewards for Justice program ay naghahandog ng hanggang $5 milyong gantimpala para sa impormasyong magbibigay daan upang maiharap sa husgado ang mga may-kagagawan nitong pag-atake.