Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Cemil Bayik

Hanggang $4 Milyong Gantimpala

Si Cemil Bayik ay isang Miyembro ng Executive Committee, isa sa mga miyembrong nagtatag ng PKK at isang nakatatas ns lider nito. Si Bayik ay tinalaga rin ng Department of the Treasury.

Ang Kurdistan Workers Party (PKK) ay kilala rin sa ngalang Kongra-Gel, isang aktibong teroristang organisasyon sa rehiyon at itinalaga ng Estados Unidos na isang Foreign Terrorist Organization (FTO). Tinarget ng PKK ang mga opisyal ng gobyerno ng Turkey, pulis at security forces at sinaktan at pinatay ang kahit sinong mga sibilyan. Ginagamit ng PKK ang mga network at mga gawang kriminal sa lahat ng dako ng Europe para makakuha ng mga armas at materyales. Ang PKK ay gumamit ng suicide bombers, mga sasakyang nagtataklay ng mga pampasabog (mga VBIED), at mga iba pang kahit anong taktikang terorista. Ang PKK ay nagrerecruit at tinuturuan ang mga kabataan, kung minsan ay yung mga kinikidnap nila, at ginagamit ang mga ito bilang mga militante. Noong 1993, kinidnap ng PKK ang 19 na turistang mula sa West kabilang ang isang Amerikano, at noong 1995, dalawang Amerikano ang nasaktan sanhi ng pinasabog na bomba ng PKK.

Noong 2015 at 2016, dinagdagan ng PKK ang mga pag atake sa lahat ng dako ng Turkey, sa mga siyudad at sa mga dinadayo ng mga turista sa Aegean at Mediterranean coast ng Turkey. Noong Agosto 2016, inangkin ng grupo na sila ang may kagagawan ng pagsabog ng bomba sa isang kotse sa himpilan ng pulis sa Sirnak, na napatay ang 11 at nasugatan ang higit sa 70. Noong Hunyo 2017, inatake ng PKK ang isang military convoy sa timog-kanluran ng Turkey, na pumatay sa higit sa 20 sundalo. Mula 2015, ang grupo ay pumatay ng higit sa 1,200 opisyal para sa security at mga sibilyan.

Karagdagang litrato ni

PKK Poster - English
PKK - Kurdish Poster
PKK - Turkish Poster