Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Ayman al-Zawahiri

Hanggang $25 Milyong Gantimpala

Si Ayman al-Zawahiri ang kasalukuyang lider ng al-Qa’ida terrorist group at dating lider ng Islamic Jihad sa Egypt. Siya ay sinampahan ng kaso sa Estados Unidos para sa kanyang pagkakasali sa mga pagbomba sa Kenya at Tanzania noong Agosto 7, 1998, na pumatay sa 224 na sibilyan at nakapinsala ng higit sa 5,000 iba pa.

Pinaniniwalaang si al Zawahiri ay kasama ni Usama bin Laden at ng iba pang nakatataas na miyembro ng al-Qa’ida ang nagplano ng mga pag-atake sa USS Cole sa Yemen noong Oktubre 12, 2000, na pumatay sa 17 tao at puminsala sa 39 na Amerikanong marino, at tumulong sa koordinasyon sa mga pag-atake noong Septiyembre 11, 2001 na kung saan hinayjack at kinrash ng 19 terorista ng al-Qa‘ida ang apat na jet na pangkomersyo — dalawa sa Trade Center sa New York City, isa sa Pentagon malapit sa Washington, D.C., at ang pang apat sa field sa Shanksville, Pennsylvania—na napatay ang halos 3,000 tao.

Bagamat si al-Zawahiri ang kasalukuyang lider ng isang maliit pero maimpluwensiyang grupo ng mga nakatataas na lider na tinatawag na al-Qa‘ida Core, hindi na tulad ng dati ang pagkakaisa nito sa mga nakaraang taon dahil sa mga nawalang mga lider na resulta ng mga ganting salakay sa mga terorista sa Afghanistan at Pakistan at ang pagbangon ng ibang mga organisasyon gaya ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) na isang alternatibo para sa mga ilang nawalan ng pagpapahalaga. Gayon pa man, ang al-Qa’ida at mga kaanib nito sa South Asia, Africa at sa Middle East ay nananatiling isang organisasyong madaling makabawi ng lakas na nakatalagang atakihin ang Estados Unidos at labanan ang mga interes ng Estados Unidos sa mga ibang bansa.

Si al-Zawahiri ay patuloy na nagtatala at nagpapadala ng mga mensahe, habang ang al-Qa’ida ay nagpanukala ng mga ilang pakana nitong mga nakaraang taon kasama ang mga laban sa Estados Unidos at Europe, na hindi naman nagtagumpay. Pinapakita nito ang kakayahan ng al-Qa’ida na ipagpatuloy ang mga paghahanda sa ilang mga balak na pag-atake habang nilalabanan ang kanilang terorismo at pinapakita na maaari itong nagpaplano ng pag-atake sa Estados Unidos o sa ibang bansa.