Mga GawangTerorismo
Impormasyon tungkol sa ...

Pagpatay at Pag-kidnap ng mga Amerikano

Colombia | Pebrero 2003

Noong Pebrero 13, 2003, bumagsak sa Caqueta, Colombia ang isang eroplano ng pamahalaan ng Estados Unidos na may pakay labanan ang pamamahagi ng mga droga. Pinatay ng mga miyembro ng isang komunistang rebeldeng grupo na kilalang Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC) ang Amerikanong si Thomas Janis at ang Colombiyanong si Sarhento Luis Alcides Cruz. Kinuhang bihag ng mga rebelde ang tatlong Amerikanong nasa eroplano: sina Marc Gonsalves, Thomas Howes, at Keith Stansell.

Ang Rewards for Justice program ay naghahandog ng hanggang $5 milyong gantimpala para sa impormasyong magbibigay daan upang maiharap sa husgado ang mga may-kagagawan nitong pag-atake.

Nasasaklaw sa Gantimpalang ito ang mga komandante ng Teofilo Forero Mobile Column ng FARC, pati ang mga ibang miyembro ng FARC, kabilang sina Carlos Alberto Garcia Camargo (alyas Hermides Buitrago, alyas El Paisa, alyas Oscar Montero); Marly Yurley Capera Quezada (alyas La Pilosa); at si Pedro Gonzalez Perdomo (alyas Alfredo Arenas, alyas Ignacio).