Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Ali Sayyid Muhamed Mustafa al-Bakri

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Ali Sayyid Muhamed Mustafa al-Bakri ay miyembro ng al-Qa’ida at eksperto sa mga pampasabog at mga sandatang kemikal. Siya ay miyembro ng al-Qa’ida Shura council at isang matalik na kaibigan ng mga lider ng al-Qa’ida na sina Saif al-Adel at Ayman al-Zawahiri.

Bago siya sumapi sa al-Qa’ida, si al-Bakri ay miyembro ng grupong teroristang Egyptian Islamic Jihad, sa ilalim ng pamamahala ni Ayman al-Zawahiri. Nagturo siya sa mga kampo ng al-Qa’ida sa Afghanistan, na sinasanay ang mga bagong kasaping terorista sa paggamit ng mga pampasabog at mga sandatang kemikal. Si al-Bakri ay nagtangka rin, nguni’t hindi nagtagumpay, na i-hijack ang isang Pakistani Air passenger flight noong Disyembre 2000. Malamang na patuloy pa rin siyang nagsasanay ng mga teroristang al-Qa’ida at ng iba pang extremists.