Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Ahlam Ahmad al-Tamimi

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Ahlam Ahmad al-Tamimi, isang Jordanian, na kilala rin sa mga ngalang “Khalti” at “Halati,” ay isang nahatulang teroristang operatibo ng HAMAS.

Noong Agosto 9, 2001, hinatid ni al-Tamimi ang isang bomba at isang HAMAS suicide bomber sa isang siksikang Sbarro pizzaria sa Jerusalem na kung saan pinasabog ng bomber ang mga bomba na pumatay ng 15 tao, kabilang ang pitong bata. Dalawang Amerikano ang napatay sa atake – si Judith Shoshana Greenbaum, isang buntis na 31 taong gulang na titser mula sa New Jersey, at si Malka Chana Roth, 15 taong gulang. Higit sa 120 iba pa ang nasaktan, kabilang ang apat na Amerikano. Inamin ng HAMAS na sila ang may kagagawan sa pagbomba.

Noong 2003, inaming may-sala ni al-Tamimi sa isang korte sa Israel ang kanyang pagkakasangkot sa pag-atake at siya ay nasentensyahan ng 16 na beses ng pagkakakulong habang buhay sa Israel dahil sa kanyang pagtulong sa bomber. Siya ay pinalaya noong Oktubre 2011 bilang bahagi ng isang palitan ng mga preso sa pagitan ng Hamas at Israel. Noong Marso 14, 2017, binuksan ng U.S. Department of Justice ang isang reklamong kriminal at utos ng pag-aresto kay al-Tamimi, na dinedemanda siya alinsunod sa batas ng U.S., ng “pakikipagsabwatan sa paggamit ng armas ng pangmalawakang kasiraan laban sa mga mamamayan ng U.S. sa labas ng U.S., na nagresulta sa pagkamatay.” Si al-Tamimi ay dinagdag rin ng FBI sa kanilang listahan ng pinakahinahanap na mga terorista at tinuturing siyang “armado at mapanganib”.

Si al-Tamimi ay dating estudyante at nagtatrabahong part time na peryodista sa telebisyon at ayon sa FBI, siya ang naghatid sa bomber sa tinarget na lugar pagkatapos niyang manumpa na gagawin niya ang mga pag-atake sa ngalan ng HAMAS. Si al-Tamimi na nagplano at namahala sa pagbomba ng Sbarro, ang pumili sa lugar dahil maraming tao sa restaurant. Para bawasan ang paghihinala, siya at ang suicide bomber ay nagbihis na parang mga Israeli at siya mismo ang nagdala ng bomba, na nakatago sa isang sisidlan ng gitara, mula sa West Bank patungong Jerusalem. Inamin rin ni al-Tamimi na siya ang nagpaputok ng isang maliit na IED sa isang grocery sa Jerusalem mga ilang linggo bago ang pag-atake na bahagi ng pagtesting.

Ang Hamas ay hinirang ng Department of State bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO) sa ilalim ng Immigration and Nationality Act at bilang isang entidad na Specially Designated Global Terrorist (SDGT) sa ilalim ng E.O. 13224.

Ang Rewards for Justice Program ay naghahandog ng hanggang $5 milyon para sa impormasyong magbibigay-daan sa pag-aresto o paghatol ng may-sala para sa kanyang pagkakasangkot sa pag-ataking ito, bilang bahagi ng alok na pabuya para sa 1993 Kapinsalaan sa Pagkontra sa mga Negosasyon para sa Kapayapaan ng Middle East.

Mga Karagdagang Litrato

Malka Chana Roth
Malka Chana Roth
Judith Shoshana Greenbaum
Judith Shoshana Greenbaum
Pagbomba sa Sbarro Pizzeria noong 2001
Pagbomba sa Sbarro Pizzeria noong 2001
Ahlam Ahmad al-Tamimi
Ahlam Ahmad al-Tamimi