Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Ahadon Adak

Hanggang sa $250,000 Gantimpala

Si Ahadon Adak ay isang commander sa Moro National Liberation Front (MNLF). Noong Septiyembre 29, 2009 sa Jolo Island, Pilipinas, sumabog ang dinamitang nilagay ng MNLF sa convoy ng mga sasakyang militar. Ang pagsabog ay pumatay sa dalawang sundalo ng U.S. Army at sa isang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na bahagi ng isang misyong mapagkawanggawa na nagtatayo ng paaralan sa lugar na yon. Noong Mayo 21, 2010, ang 9th Judicial Region ng Pilipinas ay naglabas ng isang Utos ng Pad-aresto kay Ahadon Adak para sa pag-atakeng iyon.

Ang gobyerno ng Estados Unidos ay naghahandog ng mga gantimpala para sa impormasyong magiging daan sa pag-aresto ng mga taong ito. Ginagarantiyang lubos na ipaglilihim ang inyong pakikipagtulungan at baka pwede ring ilipat kayo sa ibang lugar kung hilingin. Kung meron kayong maibibigay na impormasyon, mangyaring kontakin ang pinakamalapit na embahada o konsulado ng Estados Unidos o ang [email protected]

Karagdagang litrato ni

Philippine Poster - English
Philippine Poster - Tagalog