Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Adnan Abu Walid al-Sahrawi

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Adnan Abu Walid al-Sahrawi (Abu Walid) ang lider ng tinalagang Banyagang Teroristang Organisasyon (FTO) ISIS sa Kalakihang Sahara (Kilala rin sa ngalang ISIS-GS). Nagsimula ang ISIS-GS nang si Abu Walid at ang kanyang mga alagad ay humiwalay sa Al-Mourabitoun, dating nakadikit sa al-Qa’ida.

Unang pinahayag ni Abu Walid ang katapatan ng kanyang grupo sa ISIS noong Mayo 2015 at, noong Oktubre 2016, kinilala ng ISIS ang kanyang pangako ng katapatan. Sa kanilang himpilan sa Mali na nasa pagitan ng Mali-Niger border, inangkin ng ISIS-GS na sila ang may kagagawan sa ilang mga pag-atake sa ilalim ng pamamahala ni Abu Walid, kasama ang Oktubre 4, 2017 na pag-atake sa U.S.-Nigerien patrol sa rehiyon ng Tongo Tongo, Niger na malapit sa border ng Mali, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sundalo ng Estados Unidos at apat na sundalo ng Niger.

Ang Departamento ng Estado ng Estados Unidos ay tinalaga si Abu Walid bilang isang Bukud-tanging Terorista sa Buong Mundo alinsunod sa Utos ng Pangulo 13224 at ang ISIS-GS bilang isang FTO alinsunod sa seksyon 219 ng Batas na nauukol sa Imigrasyon at Kabansaan noong Mayo 16, 2018.

Karagdagang litrato ni

Adnan Abu Walid al-Sahrawi
Adnan Abu Walid al-Sahrawi
Adnan Abu Walid al-Sahrawi
Adnan Abu Walid al-Sahrawi
Adnan Abu Walid al-Sahrawi
Adnan Abu Walid al-Sahrawi