Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Abu Ubaidah (Direye)

Hanggang $6 Milyong Gantimpala

Si Abu Ubaidah (Direye) ang lider ng al-Shabaab. Ang tagapagsalita ng al-Shabaab na si Ahmed Abdi ay inanunsiyo noong Septiyembre 6, 2014 na si Abu Ubaidah ang bagong lider ng grupo, nang namatay ang emir ng al-Shabaab na si Ahmed Abdi aw-Mohamed (Godane). Si Abu Ubaidah ay isa sa mga miyembro ng nakatataas na grupo ni Godane noong panahong namatay si Godane. Siya ay pinatawan ng parusa ng United Nations (UN) alinsunod sa paragraph 8 ng UN Security Council Resolution 1844 noong Septiyembre 24, 2014.

Pinaniniwalaang sang-ayon siya sa opinyon ni Godane na ang al-Shabaab ay higit pa sa isang Somali nationalist movement at sa halip ay isang larangan sa jihad ng al-Qaida sa buong mundo.

Bilang emir, si Abu Ubaidah ang may-kagagawan sa lahat ng mga ginagawa ng al-Shabaab, na patuloy na pinagbabantaan ang kapayapaan, seguridad, at katatagan ng Somalia at ng mga interes ng Estados Unidos sa rehiyon. Ang edad niya ay nasa mga 40s at miyembro siya ng Dir clan sa rehiyong Kismayo ng Somalia.