Mga Kuwento ng Pagtatagumpay

Abu Solaiman

Patay Na

Si Abu Solaiman noon ang isa sa nakatataas na mga lider ng Abu Sayyaf Group (ASG), isang Islamic fundamentalist group sa Pilipinas. Bilang hepe ng mga operations and logistics ng ASG, si Solaiman, kasama ni Khadaffy Janjalani, ang may-kagagawan ng mga kidnapping at mga pagpatay ng mga Filipino at mga Amerikano. Siya ay kasangkot sa kidnapping nina Martin at Gracia Burnham at ng dalawa pang Amerikano. Kasali rin si Solaiman sa pagpugot ng ulo ni Guillermo Sobero, isa ring Amerikano. Si Solaiman ay hindi lang ang may-kagagawan nitong mga attack nguni’t siya rin ang nagplano at nagsagawa ng maraming attack laban sa mga interes ng Estados Unidos, gaya ng mga attack sa U.S. Embassy sa Manila at sa Superferry 14 at ang mga pagbomba nang Valantine’s Day, na sa kalahatan ay pumatay o puminsala sa daan-daang taong walang- kamalay-malay.

Noong Enero 16, 2007, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagamit ang impormasyon na binigay ng dalawang magigiting na Filipino, ay sinalakay at pinatay si Solaiman. Naging matagumpay itong operasyon at naisagawa lang ito dahil sa paggamit ng impormasyon na binigay nitong dalawang indibidwal sa militar ng Pilipinas. Ang lahat ng impormasyon at tulong na binigay nitong mga indibidwal ay mahalagang-mahalaga sa pagkakatagpo, pagpatay kay Abu Solaiman, at nang lumaon, sa pagkilala ng kanyang bangkay. Para sa kanilang kagitingan at tulong, ang mga Filipinong nagbigay nitong impormasyon ay pinagkalooban ng gantimpalang $5 milyon (245 milyong pesos) ng Pamahalaan ng Estados Unidos sa isang seremonyang bukas sa madla na pinamahalaan ng Embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pulo ng Jolo noong Hunyo 7, 2007.

Ang Abu Sayyaf Group ay itinatag noong mga unang taon ng dekada 1990 ni Abdurajik Janjalani, ang nakatatandang kapatid ni Khadaffy Janjalani. Nakilala ni Abdurajik Janjalani ang patay na ngayong si Usama bin Ladin sa Afghanistan nang sumali siyang labanan ang Soviets at napukawan siyang magtatag ng kanyang sariling Islamic separatist movement sa Pilipinas. Itinayo ang kuta nito sa dakong timog na pulo ng Basilan. Ang layunin sa pagtatatag ng ASG ay para lumikha ng isang malayang Islamic state sa kanlurang Mindanao at kapuluang Sulu. Magmula ng dekada 1990, ang ASG ay nagsagawa ng mga ilang pag-bomba laban sa mga interes ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Nitong nakalipas na mga taon ang ASG ay nagsagawa ng mga kidnapping para mangilak ng mga pondo, na ang pinupunterya ay mga turista at mga negosyante. Ang ASG ay tinuturing ng U.S. Department of State na isang organisasyon ng mga terorista sa ibang bansa at patuloy itong isang banta sa katatagan ng Pilipinas.