Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Abu-Muhammad al-Shimali

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Ang nakatataas na Hepe ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) na si Tirad al-Jarba, mas kilala sa ngalang Abu-Muhammad al-Shimali, ay nalalamang may kaugnayan sa ISIL, na dating kilalang al-Qaida sa Iraq, magmula 2005. Siya ngayon ay isang importanteng opisyal ng Immigration and Logistics Committee ng ISIL, at ang tumutulong sa pagbibiyahe ng mga teroristang mula sa ibang bansa na dumaraan sa Gaziantep, Turkey, at patuloy sa Jarabulus, Syria, ang lugar na kontrolado ng ISIL. Si Al-Shimali at ang Immigration Logistics Committee ang nagtutugma ng mga smuggling, mga paglilipat ng pera, at ang pagkilos ng logistics mula Europa, North Africa at Arabian Peninsula patungong Syria at Iraq. Noong 2014, pinadali ni al-Shimali ang pagbibiyahe mula Turkey patungong Syria ng inaasahang magiging mga manlalaban ng ISIL na mula sa Australia, Europe, at sa Middle East, at pinangasiwaan ang processing center para sa mga bagong recruit sa Azaz, Syria.

Ang Estados Unidos at ang Global Coalition ng higit sa 60 partner mula sa iba’t ibang bansa ay nakatalagang hamakin at sa dakong huli ay talunin, ang ISIL. Kinakailangan ang pagkakaisang pagsisikap ng mga partner para makamit itong hangarin. Ang isa sa mga importanteng pagsisikap ng Coalition ay pigilin ang pagdanak ng mga teroristang lumalaban na mula sa mga ibang bansa. Pinagsasama nito ang homeland security, mga nagpapatupad ng batas, mga sektor ng katarungan, intelihensiya, diplomasya, militar, mga pagsisikap sa pagtatayo ng kapasidad, at pamamahagi ng impormasyon.

Higit sa 25,000 teroristang manlalaban na mula sa higit sa 100 bansa ay nagbiyahe patungong Iraq at Syria. Ang mga pook ng digmaan sa Iraq at Syria ay nagbibigay sa mga teroristang manlalaban na mula sa iba’t ibang bansa, ng karanasan sa paglaban, mga pagsasanay sa paggamit ng mga sandata at explosives, at access sa mga network ng mga terorista na maaaring nagpaplano ng pag-atake na tinatarget ang mga bansa sa Kanluran. Ang banta ng nagtutulungang mga teroristang manlalaban na mula sa iba’t ibang bansa ay nagtaguyod ng lalong malapit na kooperasyon sa pagitan ng mga ahensiyang pederal ng Estados Unidos at ng mga partner nito na mula sa iba’t ibang bansa, na gagamitin ang lahat ng maaaring paraan para pahintuin ang pagdanak ng mga teroristang manlalaban, at sa dakong huli ay talunin ang ISIL.