Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Abdullah Ahmed Abdullah

Hanggang $10 Milyong Gantimpala

Si Abdullah ay isang nakatataas na lider ng al-Qa’ida at miyembro ng konseho ng mga pinuno ng al-Qa’ida, ang “majlis al-shura.” Si Abdullah ay isang opisyal na may karanasan sa pananalapi, bilang tagapamagitan, at tagaplano ng mga operation ng al-Qa’ida.

Si Abdullah ay sinakdal ng isang grand jury ng hukumang pederal noong Nobyembre 1998 para sa kanyang ginampanan noong Agosto 7, 1998 sa mga pagbomba ng mga embahada ng Estados Unidos sa Dar es Salaam, Tanzania at Nairobi, Kenya. Ang mga pag-atake ay pumatay sa 224 na sibilyan at nakapinsala sa higit sa 5,000 iba pa.

Noong mga taong 1990, si Abdullah ay nagbigay ng mga pagsasanay na militar sa mga operatibo ng al-Qa’ida at mga tribo sa Somalia na lumaban sa mga sundalo ng Estados Unidos sa Mogadishu noong panahon ng Operation Restore Hope. Mula 1996 hanggang 1998, siya ang namahala sa iba’t ibang mga kampo para sa pagsasanay sa Afghanistan.

Pagkatapos ng mga pagbomba, Si Abdullah ay lumipat sa Iran sa ilalim ng proteksyon ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran. Noong 2003 ang mga awtoridad sa Iran ay nilagay siya at ang mga ibang lider ng al-Qa’ida sa house arrest. Noong Septiyembre 2015, pinalaya si Abdullah at mga ibang nakatataas ng lider ng al-Qa’ida bilang kapalit sa isang diplomat ng Iran na kinidnap ng al-Qa’ida sa Yemen.

Karagdagang litrato ni

Litrato ni Abdullah Ahmed Abdullah
English AAA and SaA PDF