Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Abdul Zakir

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Si Abdul Rauf Zakir na kilala rin sa ngalang Qari Zakir, ang chief ng suicide operations para sa Haqqani Network at ang operational commander sa mga probinsya ng Kabul, Takhar, Kunduz at Baghlan. Si Zakir ang namamahala sa training program ng Haqqani Network, na kabilang ang pagtuturo sa paggamit ng maliliit na armas, mabibigat na sandata at sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

Nilapitan ni Zakir ang lider ng Haqqani Network na si Sirajuddin Haqqani noong 2008, na humihingi ng tulong na pera, bilang kapalit sa paglawak ng impluwensya at operations ng grupo sa Hilagang Afghanistan, at siya ay naging isang pinagkakatiwalaang kasamahan at matalik na kaibigan ni Sirajuddin. Siya ay kaugnay sa maraming kilalang mga suicide attack ng Haqqani Network at may-kinalaman nang bahagya sa ilan sa mga pangwakas na pagpapasya sa kung ipatutupad nga ang mga malaking pag-atake na pinlano ng mga commander sa distrito. Kabilang sa mga pag-atake na ginagamit ang mga taong pinili mula sa training program ni Zakir, ang pag-atake noong 2010 sa mga base ng mga sundalo ng coalition sa Salerno at Chapman; ang pag-atake noong Hunyo 2011 sa Intercontinental Hotel, na pumatay sa 11 sibilyan at dalawang pulis na Afghani; at ang pag-atake noong Septiyembre 2011 sa U.S. Embassy sa Kabul, na pumatay ng 16 na Afghan, kabilang ang hindi kumukulang sa anim na bata.

Si Abdul Rauf Zakir ay itinalaga ng U.S. Department of State na isang Specially Designated Global Terrorist alinsunod sa Executive Order 13224 noong Nobyembre 5, 2012.

Ang Haqqani Network ay isang grupong militante na itinatag ni Jalaluddin Haqqani, isang Afghanistani na commander sa digmaan noong dekada 1980 na linabanan ang Soviet Union. Ang Haqqani Network ay magkaanib sa Afghan Taliban at sa al-Qaida at gusto nitong ibalik muli ang Afghanistan sa ilalim ng pamamahala ng Taliban. Ang Haqqani Network ay nagmula sa Hilagang Waziristan, Pakistan, at nagsasagawa ito ng mga operation sa silangang Afghanistan at sa Kabul. Ang mga Haqqani ay tinuturing na pinakamapanganib na grupo ng mga insurekto na tinatarget ang mga sundalo ng Coalition at mga sundalong Afghan sa Afghanistan.

Ang Haqqani Network ay nagplano at nagsagawa ng maraming pagkidnap at pag-atake laban sa mga sundalo ng Estados Unidos at ng Coalition sa Afghanistan, pati sa gobyerno ng Afghanistan at sa mga tinatarget na sibilyan. Kabilang sa ilan sa mga ginawang pag-atake ng grupo ang pag-atake sa Intercontinental Hotel sa Kabul noong Hunyo 2011, na pumatay sa 11 sibilyan at dalawang pulis na Afghani; ang pagpapasabog ng trak sa Wardak Province, Afghanistan noong Septiyembre 2011, na kung saan nasugatan ang 77 sundalo ng Estados Unidos; ang 19 na oras na pag-atake sa U.S. Embassy at sa International Security Assistance Force (ISAF) headquarters sa Kabul noong Septiyembre 2011; ang Hunyo 2012 suicide bomb attack sa Forward Operating Base Salerno, na pumatay sa dalawang sundalo ng Estados Unidos at nasaktan ang higit sa 100; at ang 12 oras na paglusob sa Spozhmai Hotel sa Kabul noong HUnyo 2012, na nagresulta sa pagpatay sa hindi kumukulang sa 18 Afghani, kabilang ang 14 na sibilyan.

Ang Haqqani Network ay itinalaga ng U.S. Department of State na isang Foreign Terrorist Organization noong Septiyembre 19, 2012.