Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Abdul Wali

Hanggang $3 Milyong Gantimpala

Si Abdul Wali ang lider ng Jamaat ul-Ahrar (JuA), isang pangkat militante na sangay ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (TTP). Sinasabing siya ay namamahala mula sa Nangarhar Province at Kunar Province ng Afghanistan.

Sa ilalim ng pamamahala ni Wali, ang JuA ang isa sa mga pinaka-aktibong TTP network sa Punjab Province at inaangkin ang maraming suicide bombings at iba pang mga pag-atake sa lahat ng dako ng Pakistan.

Noong Marso, 2016, nagsagawa ang JuA ng isang suicide bombing sa isang paradahang pangmadla sa Lahore, Pakistan na pumatay sa 75 tao at puminsala sa 340.

Noong Agosto 2015, inako ng JuA na sila ang may kagagawan sa suicide bombing sa Punjab na pumatay kay Punjab Home Minister Shuja Khanzada at 18 ng kanyang mga tagataguyod.

Si Wali ay kilala rin sa pangalang Omar Khalid Khorasani. Siya ay pinanganak sa Mohmand Agency, Pakistan at pinapalagay na siya ay bandang nasa huling tatlongpung taong gulang. Siya ay dating peryodista at makata at nag-aral sa mga ilang madrasa sa Karachi.

Karagdagang litrato ni

Abdul Wali