Wanted
Impormasyong magdadala sa hustiya kay…

Abdelbasit Alhaj Alhassan Haj Hamad

Hanggang $5 Milyong Gantimpala

Noong Enero 1, 2008, si John Granville, isang Amerikanong empleyado ng U.S. Agency for International Development (USAID) at ang kanyang tsuper na Sudanese, si Abdelrahman Abbas Rahama, ay binaril at napatay habang papauwi sila mula sa isang New Year’s Eve na pagdiriwang sa Khartoum, Sudan.  Si Granville, 33, ay nagtatrabaho sa mga programang nauukol sa demokrasya at sa pamamahala sa Sudan.  Si Abbas, 39, ay umpisang nagtrabaho sa USAID noong 2004 bilang isang miyembro ng Disaster Assistance Response Team nito para sa Darfur.  Dalawang hiwalay na pangkat ang nagsasabing sila ang may-kagagawan ng pag-atake: ang Ansar al-Tawhid (Mga Sumosoporta ng Monotheism) at ang al-Qaida in the Lands of the Two Niles (AQTN).  

Ang legal system ng Sudan ay nilitis at hinatulang may sala ang limang lalaki para sa kanilang pagkakasangkot sa mga pagpatay.  Sina Abdelraouf Abu Zaid Mohamed Hamza, Mohamed Makawi Ibrahim Mohamed, Abdelbasit Alhaj Alhassan Haj Hamad, at si Mohanad Osman Yousif Mohamed ay nasentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay, ngunit nakatakas mula sa kulungan isang taon pagkalipas silang nahatulang may sala.  Sinasabing si Mohanad ay namatay sa Somalia noong Mayo 2011.  Si Abdelraouf ay nadakip muli ng mga awtoridad ng Sudan.  Sina Makawi at Abdelbasit ay hindi pa nadadakip.

Si Abdelbasit ang ikalalawang taong bumaril sa mga napatay.  Nakatakas siya mula sa Khobar Prison sa Khartoum noong Hunyo 11, 2010, at siya ay kasalukuyang nasa Somalia.